BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Monday 14 December 2009

FUCHSIANG PAG-IBIG.

Sabi ko hindi na ko nasasaktan, sabi ko nakalimutan ko na sya, sabi ko di ko na sya mahal.
Nagsinungaling ako sa kanya, sa kanila, sa sarili ko.
Pero bakit ko nararamdaman 'to ngayon?

Nung narinig ko sa mula sa bibig nya na may girlfriend na sya gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kong magtanong bakit, gusto kong magalit pero di ko magawa kais wala naman akong karapatan eh.

Minsan di ko maiwasan isipin na hindi sila magtatagal. Alam ko masamang isipin pero di ko maiwasan, ang hirap ng ganito.

Kapag tadhana nga naman ang humusga, wala ka nang magagawa.
Minsan tinatanong ko si God,
bakit ko pa kaya sya nakilala at minahal kung hindi naman sya pwedeng maging akin...
Sabi ng isip ko gusto kong umiyak pero sabi ng puso ko wag, kaya pa nya, kakayanin pa nya, kasi kailangan..

Misan gusto ko syang tanungin,
"kahit minsan ba minahal mo ko?"
Pero minsan ayokong magtanong kasi ayokong masaktan.
Ayoko na...
Tama na...
Yang ang sinasabi ng utak ko pero iba sa puso ko.
Ganun ko sya kamahal...

Pero sa ngayon alam kong malungkot ako, pero masaya pa rin para sa kanya.
Sana bukas paggising ko okay na ko, sana rin panaginip lang lahat ng 'to!
Gusto na syang palayain ng utak ko pero ayaw naman ng puso.
Alam ko rin na mali kung patuloy pa kong aasa na may pag-asa pa kami.
Pero yun ang ang alam at nararamdaman ko...

Gusto ko syang maging masaya, ngayon naiintindihan ko na...
Mas mahal ko pala talaga sya kasi hinayaan ko syang maging masaya sa piling ng mahal nya kahit alam kong ikamamatay pa rin ng puso ko kung mawawala sya sakin.
Pero nangyari na pero kinaya ko at alam kong kakayanin ko pa, kasi kailangan.

Isa na naman sya sa mga kwentong naisulat sa chapter ng buhay ko.
Kahit iwan ko man ang mundo alam ko mahal ko pa rin sya...
Yun ang gusto ko, gusto ng pagkatao ko, gusto ng puso kong hanggang ngayon, nagmamahal pa rin sa kanya.
Sya ang nagbigay sakin ng panibagong buhay, panibagong pag-asa, kaya hindi ko sya makakalimutan...

0 comments: