BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Monday 4 January 2010

UNTITLED. (:

Minsan nagtatanong na naman ang puso ko, lumipas na ang christmas and new year, pero wala pa rin si Mr. Right.
Lagi na lang si Mr. Wrong yung nakikita ko.
Bakit ganun?
Hindi ba talaga ko deserving na makahanap ng right person?
Lagi na lang akong talunan, kasi tuwing nagugustuhan ko yung tao,
well, sabihin na natin na napapalapit ako sa kanya, naging tropa ko sya.
Pero hanggang dun lang yun.
Kasi tuwing pinaparamdam ko na, lagi na lang akong bigo...
Destined na ata talaga kong maging ganito.
SINGLE FOREVER...


Last time, naka-txt ko yung isa dun.
Si TK. yun talaga yung tawag sa kanya, di ko alam kung anong real name nya.
Basta TK tawag sa kanya ng lahat.
Nga pala, Myanmar sya. MyamMyam kung tawagin sa tropa yung lahi nila :b
Nung unang nakilala ko sya, naastigan na agad ako sa kanya.
So, pinag-tripan ko!
Kinulit ko, tinanong ko ng kung ano-ano.
Ayun, eh andun si Yuki yung isa pang MyamMyam na tropa namin.
Sinabihan nya ko ng "CHITTE." I love you yung meaning nun sa Myanmar.
Actually yun lang alam ko sa language nila. BWAHAHA!
Tapos sabi niya, Ako?
Sabi ko, anong ikaw?
Bigla kong na-gets, edi sinabi ko rin sa kanya yun.
Parang natuwa si kupal. :b
Tapos kwentuhan lang, tapos parang naging sweet na ewan yung atmosphere,
parang nailang pa nga ako eh.
haayy.
tapos dun na nag-start yung lahat.
nakaka-text ko na sya, basta lahat...
Pero di kami naging close na as in close na close..


Akala ko andun sya sa party, kasi nag-decide ang tropa na gumawa ng party para sa celebration ng new year.
So, meaning special day yun para samin.
Kaso wala pala sya, wala rin si Gieo, pero okay lang sakin yun.
Okay na kasi kami nung tao.
Basta yun, binati ko si TK ng happy new year sa text.
Nag-reply naman sya puro Hearts pa nga yung Happy New Year nya eh..
Tapos tinanong ko sya kung kamusta na sya, okay naman daw sya.
Tapos tinanong nya ko kung asan ako, sabi ko nasa Machiya.
Tapos sabi nya sino daw kasama ko, sabi ko edi yung mga pinoy na tropa saka yung mga MyamMyam :b
Tapos sabi ko, punta ka dito sa party.
Di daw pwede, kasi aalis sila kinabukasan punta ng somewhere in Saitama daw.
Sabi ko Omiyage ne~
Sabi naman nya, iiyo~
Sabi ko iino?~
Sabi nya gomen, imi wakaranai yo~
Tapos binaba ko pa yung sa pinaka-baba nung text nya,
nakalagay dun..


Ore wa kanojo iru yo~ shitteru?
So, may gf na pala ang kupal..
Ayun, not really affected ang lola mo, medyo nainis lang.
Edi nag-reply ako, sabi ko gomen nasai, kasi di nya pala naintindihan yung text ko.
Tapos sa may baba, shitteru yo~ kasi alam ko naman talaga na may gf na sya, kasi tropa ko ho kaya si Yuki-chan. (:
Tapos ayun, di na sya nag-reply.
Tapos nagpalit na rin ako ng mail address ko..
Ayun, naiinis pa rin ako sa kanya...

0 comments: