BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Monday 29 March 2010

I will be coming back.

Sobrang nagsisi ako nung bumalik ako ng Pinas, kasi dati binusted ko si Dex, di ko alam na sa pagbalik ko ako naman yung maghahabol sa kanya.
Nung una parang wala pa sakin, kasi si Jameg naman talaga dapat hindi sya.
Pero nung sinabi nila sakin na parang gumwapo na sya.
Hindi ako agad naniwala pero nung nakita ko sya, natulala ako.
Parang kinilig ako sa nakita ko.
Hanggang gabi lagi ako sa labas para lang masilayan sya.
Nakikita ko naman sya palagi, pero di pa rin kami nagpapansinan.
Dinadaan-daanan nya lang ako.
Okay na ko sa ganun.
Lagi ko nga syang nakukwento kay Mommy, si Mommy naman kinikilig lagi.
Haayy. Dun ko na-realize na parang nafo-fall na ko sa kanya.
Pero di ko masyadong pinansin yung feelings ko para sa kanya.

One time malapit na kaming umuwi nun.
After ng liga yun eh, naiwan kami sa court.
Kasama ko sila Ate Hana tapos kasama naman nya sila Ryoji.
Di ko alam kung bakit andun sila, tapos nilalapitan ako ni Miguel kasi inaasar ko sya.
Ayun, sana lang nagselos sya ah.
Gabi-gabi yun.


One time parang napuno na rin ako sa kanya,
inutusan ko pinsan ko na kunin # nya.
Pero ang kapal ng mukha nya, di nya binigay.
Kahit sinabi na ng pinsan ko yung name ko.
Arg! bad trip talaga.
Ang sabi pa daw babalik daw sya sa court, parang gusto nya na ako yung kumuha mismo nung # nya.
May pride naman ako no. So hindi ko na kinuha, kahit hiningi na rin nila Joyce wala pa din.
Kapal ng mukha eh.
Tinigilan ko na lang kasi paalis na naman ako eh.
Kaya ayun, hindi ko na sya pinapansin.
Until one day kinausap ako ni Mommy,
sabi nya pansinin ko na daw si Dex kasi baka daw nahihiya lang yung tao.
Ayun, sakto naman.
Nakasalubong namin sya, pero wala lang.
Ang ganda pa nung pagkaka-Hi Dex ko eh.
La lang di nya ko pinansin, feeling ko naging invisible ako pansamantala.
Okay sana kung wala akong kasama kaya pa ng powers ko.
Kaso andun sila Joyce narinig nila yung pagbati ko sa kanya, kaya parang napahiya ako.
Ayun, after nun tumambay lang kami magdamag sa court, pati sila.

Sakto naman andun si Papa Miguel. haha.
Inaasar ko sya, wala lang natutuwa lang ako sa kanya.
Naglalandian kami sa court in short. LOL
Sakto naman na napunta yung topic sa lovelife. Crush, something ganun.
Kay Joyce naman talaga nakatingin si Miguel nun kaso hindi lang napansin ni Joyce.
Kaya tinanong ko si Miguel kung san sya nakatingin, sagot naman ng  mokong: "SAYO!"
Ang bongga diba? Narinig nya yun for sure. Pero kay Joyce talaga nakatingin si Miguel.
Tapos lagi syang nakadikit sakin, hanggang andun na yung pinaglalaruan na nya yung kamay ko kasi nakakatuwa daw yung kulay, syempre titingin si Dex.
Tapos hiningi ko yung baller ni Miguel, tagal ko ng hinihingi sa kanya yun kaso ayaw nya lang.
Pero binigay din naman nya, ang ganda pa ng linya nya nun, "Anong kulay?" sagot ko, "Pink!"
Sabay abot sakin nung baller, syempre nag-thank you ako, sabay hirit nya ng, "Matitiis ba naman kita?"
Ayun narinig na naman nya. Bahala na sya.
Ayun dun na nagtatapos ang lahat. Astig dba?! haha. {hindi nga eh.}


Kaya nung paalis na kami papuntang airport, pinangako sa sarili kong babalik ako para sa kanya.
Mahal ko na ata sya ngayon ah. Kaya nga ako umiiyak madalas dahil sa kanya eh.
`Haayy. Sana pinansin mo na ko bago ko umalis, kahit isang HI lang masaya na ko dun.
Kaso deadma ka pa rin eh.
Pero babalik pa naman ako.
Hintayin mo ko ha.
Iloveyou.


DEX ♥ LEX
astig ng names namin no? haha.
Babalikan kita wag kang mag-alala.
Sana di ka pa taken nun, 'cause I will take you with me.
I missed you, I miss you and I will missyou.

I loved you, I love you and I will always love you.
Ganyan ako tinamaan sayo.
Sorry na lang kasi binusted kita dati.
Galit lang talaga ko sayo.
Simula pa nung bata ako naiinggit ako sayo, kasi feeling ko ikaw yung anak ng Daddy ko eh.
Kaya hanggang paglaki dala ko yung galit at inggit ko sayo.
Sorry ha, hindi ko naman alam na manliligaw ka, na babastedin kita at mamahalin kita ngayon.
Sana mapatawad mo pa ko.
God bless.
Ingatan mo sarili mo para sakin ha! (:


My plans for the future.

Nakapag-decide na ko sa mga gusto kong gawin in the future. Nagbago lahat ng yun simula nung umuwi kami ng Pinas. Haayy. Madami akong namiss dun, naiiinggit din ako sa mga tropa ko dun kasi buo sila, ako lang wala. ): Kamuntik na nga akong hindi bumalik dito sa Japan eh.

Well, eto na yung plans ko (:

-Sa Pinas ako titira, dun ako mamamatay, bubuo ng pamilya at magne-negosyo.

- Magtatapos ako ng Senior High School dito sa Tokyo, magta-trabaho ako ng mabuti, mag-iipon. Mga six years siguro yun. Kapag nakaipon na ko uuwi na ko ng Pinas.

- Ipapaayos ko yung bahay namin sa Pinas, dahil dun na gustong tumira ni Mommy kapag tumanda na sya. Hindi man ganun ka-ganda yung bahay namin pero elegant yung dating, yun ang gusto ni Mommy. Mga 3rd floor siguro yun. Kaya na siguro yun ng ilang sweldo ko, tutulungan naman daw ako ni Mommy eh. Sana matuloy yung cathering business nila Mommy, Tita Janette Santos, Tita Janet Sison, Tita Lanie Olivares at Tita Lanie Paz. Para naman may business na sila pag-uwi ni Mommy sa Pinas.

- Kapag naka-ipon na ko uuwi na talaga ko saka kapag napa-ayos ko na yung bahay namin. Makikisosyo na lang siguro ako sa business nila Mommy or magdadagdag kapag nag-click yung plano nila.

- Tutulungan ko si Mommy sa plano nyang Apartment. Matagal na kasi nyang gusto yun, kaya tutulungan ko sya.

- Bubuo na ko ng Pamilya, a happy family. Sana katulad ni Mark Francis Olivares yung magiging asawa ko, sana si Kiko na nga lang eh. Sana lang talaga.. Pero di naman siguro tututol si Mommy at Tita Lanie kapag naging mag-asawa na kami. Si Kiko nga lang ang problema.

- Gusto ko rin magtayo ng sarili kong business na kasosyo ko si Ernie, ang aking loving pinsan.


Sana matupad ko lahat ng mga pangarap ko. Yun na lang yung maitutulong ko sa Mommy ko, ang matupad rin ang mga pangarap nya. God, wish me luck. Sana pagpalain nyo po kami.

Friday 22 January 2010

OP? NOT BELONG? F*CKERS!

Sh*t!
Ako na sobrang late sa mga balita,
di lang yun,
p*ta! wala na kong nalalaman sa mga pinag-uusapan ng tropa.
Ganun ba yung kapalit nung paglayo ko sa kanila?
Sh*tness naman.
Wala na talaga kong masyadong alam.
Feeling ko di na ko belong sa kanila eh.
OP pati kapag nag-uusap usap sila.
Nakakainis kaya yung feeling ng ganun,
nag-uusap sila, ikaw lang yung OP kasi di mo alam kung anong topic nila.
Others na ko sa kanila :/



buti nakakahalata naman yung isa.
Sa totoo lang nag-uumpisa na kong mainis sa kanila eh.
Pwede naman silang mag-usap ng hindi ako kaharap.
kesa naman sa kaharap nila ko tapos OP naman ako :/
KATARANTADUHAN!

Tuesday 12 January 2010

Last Year.

Naisip ko ngayon, madami palang nangyare sakin last year noh? Haayy. Sa sobrang dami, di ko na maalala lahat. Haha. Pero ttry kong alalahanin. Sayang eh. :b


Sisimulan ko na, medyo hyper ako ngayong araw na 'to eh. Nyahaha.


- Nakilala ko yung mga tropa ko ngayon dito sa Tokyo...
{sobrang importante sila sakin, mamatay na lahat ng pangit wag lang sila. kasi mga pogi ho kami. (:}


- Nag-2 years ako dito sa Japan.
{haayy. ayoko nang umuwi sa Pinas, wala akong future dun eh. Pero vacation lang gusto ko.}


- Nag-mahal ako ng ka-tropa. Si Glennric Gieo Villacorta :b
{haayy gieo. ang aking moksx. well, wala na yun. past is past. naka-move on na ang pogi. ((((:}


- Nakaaway ko lahat ng malalapit sakin.
{astig diba? lahat ng ka-close ko nakaaway ko, meaning: kamuntik na kong mawalan ng mga kaibigan.


- Naayos lahat ng gulo between sa tropa.
{ayun, nauna si gieo makipag-bati, so nakipag-bati na rin lahat. kasi lapit na new year nun. :b}


- Nag-1 year na rin pala ko sa Tabat Junior High School.
{bilis ng panahon, parang dati lang, wala pa kong kaibigan dun. Tapos di pa ko marunong mag-nihonggo, ngayon... grabe! kaya ko nang makipag-away sa mga hapon. nang-gagago na rin ako ngayon ng mga hapon. :b}


- Nagka-crush ako kay Kenji Tobari.
{waa. crush lang naman. anong masama dun? DUH?!}


- Nagka-crush din ako sa aking textmate na si Kenji Hosoya.
{well, di naman ako mahilig sa KENJI. slight lang. :b}


- Nakilala ko si TK. 
{actually, wala naman talaga. parang pinipilit ko lang yung sarili ko na magkaroon ng something para sa kanya. pero wala talaga. we're just friends. (:}


- Nagkaroon na ko ng bisyo.
{lagi na lang akong wala sa bahay. laging nasa inuman, kapag nasa labas laging ka-partner ang yosi. waa. minsan umuuwing lasing. bwahaha. ako na pasaway! :b}


- Nasaktan ako ng sobra-sobra.
{sobraa yung sakit na yun, sakit galing kay gieo, sakit galing sa parents ko, at sakit galing sa tropa. samahan pa ng stress ng school. haayy. naisip ko na ngang umuwi ng pinas nun eh. :/}


- Nakapag-decide na ko kung saan ba talaga ko papasok para sa Senior High School.
{well, girls school sya, private... waa. mahal nga eh, parents ko lang may gusto. :/}


- Naka-isip ako ng New Year's Resolution...
{sabi ko NO LOVE LIFE muna this year. pero may dumating agad eh. new year pa lang dumating na.}




Haayy. Dumating na si Aki New Year pa lang, so pano ko magagawa yung New Year's Resolution ko?  Haayy. God's will nga talaga siguro yun. :/

Monday 11 January 2010

In danger...

Waa. Feeling ko mahal ko na ata sya.
Alam ko sa text ko lang sya nakilala, then nag-send lang sya ng picture. 
Ganun lang, pero parang mahal ko na sya.
Hindi kumpleto yung araw ko kapag di ko sya nakaka-text,
nang wala akong nalalaman tungkol sa araw niya...




Mahal ko na si Aki..
Kasama pa naman sa New Year's Resolution ko na wala munang love life this year.
Pero bakit sya dumating?
Bakit sya binigay ni God sakin?
New Year pa lang kilala ko na sya eh..
Haayy.
Ayoko muna.
Pagkatapos ni Gieo, si Aki naman...










In danger na naman yung puso ko ngayon...