BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Monday 14 December 2009

FRIENDSHIP is our PROMISE...

Sa ngayon, kapag naririnig ko yung pangalan na GIEO, isa lang ang naiisip at naaalala ko.
"Tropa ko yan minahal ko."
Hindi ko pinagsisisihan na minahal ko sya at never kong pagsisisihan yun. Isa sya sa magagandang chapter na nangyare sa buhay ko. Ngayon, masya na ko para sa kanya. Masaya na rin ako kasi bumalik na yung dating kami, yung dating gieo.

December 13, 2009.
Champ sa basketball ang mga mokong. Astig kasing mga maglaro eh.
Nagyaya silang mag-celebrate after ng game. Karaoke ang trip nila.
Ang saya ng araw na yun, nagka-ayos ayos na kaming lahat.
Kulang man kami at least masaya naman.

Nagulat ako nang bigla syang lumapit sakin at sinabing,
"Lex, usap tayo. Kasi kailangan."
Pumayag naman ako kasi gusto ko rin syang makausap eh.
Nagulat ako kasi first time nya kong kinausap nung gabing yun pagkatapos ng isang buwan na paglayo ko.

Sabi nya sakin, gusto nyang maayos lahat. Gusto nyang ibalik yung dating pagkakaibigan, yung dating kami.
Pumayag ako kasi gusto ko naman talaga yun eh.

Pero pinaka-nagulat ako nang sabihin nya sakin na may girlfriend na sya.
Aaminin ko nasaktan ako, pero hindi na lang ako nagsalita kasi ayoko na ng gulo.
sabi nya, gusto nyang makilala ko yung girlriend nya kasi isa daw ako sa mga magagandang nangyare sa kanya dito sa Japan.
Kami kasi talaga yung unang magkaka-tropa eh, hindi ko lang inaasahan na mamahalin ko sya ng higit pa sa kaibigan.

Aaminin ko hanggang ngayon mahal ko pa rin sya, pero mas pinili kong maging masaya para sa kanya kesa masaktan at maapektuhan ng ganun.
Minsan iniisip ko sana panaginip lang yun.
Pero sa ngayon, masaya ko para sa kanya.
Hindi kami ang itinadhana, may darating pa...
Pero di ko maiwasan dati na ipagdasal na sana sya na lang...
Masaya na talaga ko para sa kanya ngayon, masaya na rin sya.
Mas mahal ko yung pagkakaibigan namin kaya mas pinili kong maging masaya para sa kanya.

"Goodluck Parekoy!"

0 comments: