BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday 7 November 2009

Why?...


WHY?
Some of the words inside my mind and heart right now.
Since the day he rejected me, it's been an obsession to me to be part of his life.
Pero napakahirap gawin nun para sakin.
Hanggang ngayon sya pa rin.
I'm going to be honest with myself, I'm a certified PRETENDER.
Until now, I'm still telling myself not to love him, but still my heart does.
And I hate the feeling.
When the time comes na naaalala ko yung araw na yun, mas gusto ko pang mamatay na lang.
This is the first that I felt that kind of feeling huh!
Marunong naman akong magmahal pero sa kanya ko naramdaman lahat.


Naiinis pa ko kasi bakit bigla nyang binabawi lahat ng mga sinabi nya tungkol sa babaeng gusto nya.
So meaning until now he still cares to my feelings? Bullshit, isn't it?
But still am I that grateful na still cares?
Parang hindi ko maramdaman.


Simula nung araw na yun, nakalimutan ko na kung pano magpahalaga sa isang bagay.
Especially, friends.
Unti-unting lumiliit yung mundo ko kahit napakarami ko namang nakikilalang bagong mga kaibigan.
Nang dahil sa kanya madaming nagbago.
Para sakin napakadaling mag-advice sa lahat ng tao pero para sa sarili mo kahit alam mong mali pinipilit mo sa sarili mo.
Kung ano yung alam mong mali, yun ang pinipili kong gawin.


Madaming nawala nung araw na ni-reject nya ko.
A lot.
Alam ko hindi naging kami, pero malakas yung dating sakin eh.
There's a lot of peoples who encourage me para mahalin sya ng sobra na lumagpas sa limitations,
that happened I forgot how to smile, care, understand and be patient.
I also forgot about myself.
I actually blamed those persons, but still, it's my fault not them.
I don't wanna blame everyone or someone, but I can't help not to.
Hindi ko magawang magalit.
Wala akong magawa, kasalanan ko eh.
Sa kawalan ko ng magagawa sa nararamdaman ko, mas pinili ko na lang umiyak.
Naranasan ko yung umiyak ng two weeks straight.
Suddenly, I became tired.
Mahirap na masakit.
Naisip ko wala naman maitutulong kung iiyak ako eh.


Sabi nila madaming nagbago sakin.
Ayoko lang sabihin na sila ang may kasalanan kasi ako naman talaga.
But I can't help not to think that they're the one who made so down.
Ayokong magalit, ayokong magpadala sa nararamdaman ko, sa naiisip ko.
Ayoko nang umiyak, pagod na ko.
Pero hindi ko maiwasan.
Sinasabi ko sa lahat ng tao na hindi na ko nasasaktan sa mga panahong hindi nya ko pinapansin.
Pero ang totoo nun, soobrang sakit sakin nun.
Lagi kong sinasabi nakalimutan ko na sya, pero ang totoo hindi pa.
Ayoko lang na pamukhaan nila ko.
Ayokong dumating yung araw na mapagod sila sakin.
Ayoko nang marinig yung mga pangaral nila.
Ayokong manisi.


Galit ako sa mundo, pero hindi ko magawang magalit kay God.
I know only heavens know what will happen next.
Still, gusto kong maranasan ko kung pano sya magmahal, gusto kong mahalin nya ko kahit sa panaginip lang ayos lang sakin, atleast kahit minsan naranasan ko.
Para may ma-ipagmalaki naman ako.
Kasi isa lang ang maipagmamalaki ko eh, YUNG MAHAL KO SYA.
Hanggang tingi na lang naman talaga ko.
Yun lang ang alam ko.


Minsan naisip ko, ang suwerte ng babaeng mahal nya,
suwerte yung girl kasi nakuha nya yung pinapangarap ko.
Sana maging masaya sya dun, sana hindi sya umiyak.
Kung iiyak man sya, andito lang ako, bilang kaibigan nya.
Ang sakit para sakin nun.
Bakit kasi sya pa?
Naging fair naman ako di ba?
Pero tadhana ang hindi naging fair sakin.


Naisip ko rin paano kung:
Ngayon gusto ko sya, pero hindi sya binigay sakin.
Tapos sa ibang araw, ayoko na sa kanya saka sya ibigay sakin.
Hindi ko alam kung kakayanin kong maibalik yung pagmamahal na sinayang nya.


Isa lang ang alam ko sa ngayon, mahal ko sya.
Mahal na mahal.
Sa ngayon, ayoko muna syang kalimutan.
Alam ko darating naman yung oras na makakalimutan ko rin naman sya di ba?
Ayoko lang pilitin kasi mas masakit tama ba ko?
Gusto ko munang tigilan ang pag-iisip sa kanya.
I'm contended what we are right now.
Sana masaya din sya.



0 comments: