BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday 17 October 2009

Still, it's him...

These past few days madaming nangyare, kaya it's been a long time since I last posted here in my blog.
And what for? No one is interested in my blog.
I'm just so down right now.


I still love that person, kahit na alam kong may iba sya gusto, take note, she's my darling.
Masakit sakin yun, kasi umasa ako na sana ako yun, pero hindi pala.
Again, I felt such pain. Sakit na matagal kong naramdaman kay Mikey.
Ang laki kong tanga para umasa sa kanya.

Kapag ba ako nawala, iiyak sya?
Siguro hindi. Pero isa lang alam ko, kapag ako napagod,
wala nang magmamahal sa kanya katulad ng pagmamahal ko sa kanya ngayon.
Tama ba ko?


Ang kapal ng mukha nya para i-pamukha sakin na gusto nya yung tao.
Ang tanong, mahal ba sya nun?
Crush sya dati nung tao, OO.
Pero ngayon? Crush pa din ba sya nung tao?

Pinapangako ko, iiyak din sya.
Gusto ko lang naman talagang maranasan nya yung naranasan ko sa kanya.

Sa ngayon, kelangan ko lang maging masaya kung saan sya masaya.
Kahit masakit, tatanggapin ko.
Para kahit papaano sa paraan na yun mawala yung nararamdaman ko para sa kanya.
Kasi alam ko mapapagod din ako, at malapit na yung panahon na yun.
Hindi naman ako ang mawawalan eh, sya di ba?

Bihira lang akong magmahal, at sa kanya ko pa naranasan yun.
Ang suwerte nya, kasi bihira nga lang ako magmahal ng ganito katindi.
Pero ang malas ko, kasi hindi nya ko minahal, mahal at mamahalin.
Kapag minamalas ka nga naman sobra-sobra.


Minsan, I asked God.
"Bakit ganito?
Bakit hindi nya ko mahal?
Sya yung hiningi ko, pero sya iba ang hinihingi sa iyo.
Sana wag mo na lang syang ibigay sa iba.
Kasi kapag ginawa mo yun, para mo na rin inagaw sakin yung pangarap at kaligayahan ko.."

Pero hindi ko magawang magalit sa kanya.
Kasi alam ko kung bakit hindi nya binigay sakin yung taong yun.
Pero umasa talaga ko, nagmahal ako.
Pero hindi pa rin naging sapat yun para mahalin din ako nung taong mahal ko.
Kasi may iba syang gusto.

Minsan gusto kong sabihin kay Gieo, na wag nya kong gayahin.
Wag nyang mahalin ng sobra si Natalie kasi masakit, hindi ko kayang makitang nasasaktan sya.
Sobrang nasaktan kasi ko nung minahal ko sya.
Hanggang ngayon naman nasasaktan ako.

Katulad na lang kanina.
Bakit kelangan nya pang i-pamukha sakin na gusto nya si Natalie?
Manhid ba sya para hindi maramdaman na may taong nasa tabi nya na sobrang nasasaktan sa mga sinasabi nya.
Alam ko alam nyang mahal ko sya, pero sana kahit papaano magkaroon naman sya ng pakiramdam, magkaroon sya ng pakialam sa nararamdaman ko.
Sa nakikita ko sa kanya napaka-selfish nya talaga.
Wala kasi syang pakialam sa nararamdaman ko.
Ang tanga kong mahalin sya.
Pero ako naman si tanga kanina, sinusuportahan yung gusto nya.
Kasi alam ko dun sya masaya at gusto kong ipakitang okay lang ako.
Physically hindi ako nasasaktan, pero Emotionally sobrang sakit na.
Hindi man ikamamatay ng pisikal kong katawan pero ikamamatay ng puso ko kung mamahalin din sya nung taong yun.

Ayoko talagang ipakitang nasasaktan at naiinis ako, pero hindi maiwasan eh.
Haayy.
Gustuhin ko mang ibaling kay Kenjie yung nararamdaman ko para sa kanya, pero hindi ko magawa.
Niloloko ko lang sarili ko na gusto ko si Kenjie, pero ang totoo si Gieo pa rin hanggang ngayon.
Alam ko naman na alam nya yun eh. Hindi lang ako nagsasalita kasi ayoko ng masaktan at ayoko na ring buksan at palakihin ang issue sa pagitan namin.

Nung nakilala ko si Gieo, nasabi ko sa sarili kong kakalimutan ko na si Mikey para sa kanya,
nagawa ko naman.
Pero walang nangyare eh. nasaktan lang ako.
Nung naging magkaibigan kami, sabi ko sa sarili ko nakalimutan ko na si Mikey, ginawa ko yun para sa kanya.

Naalala ko pa yung panahon na sinabi nya sakin na wala akong pag-asa, na hindi nya ko gusto.
Sobrang nasaktan talaga ko nun.
Pero wala akong nagawa, hindi ko hawak ang utak at puso nya.
May sarili syang utak at puso.
Kung hawak ko man yun sana matagal ko nang binago ang nararamdaman nya.
Pero wala nga kasi sakin.

Ang akin lang, kung ayaw nya sakin,
wag na syang magpakita ng motibo para mahalin sya.
At wag na rin nyang iparamdam sakin na importante ako sa kanya.
Kasi mas lalo lang akong nasasaktan eh.
Saka mas lalo ko lang syang minamahal.

Sa ngayon, ang gusto ko lang gawin.
Kalimutan ang nangyare, ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ibaling sa iba ang nararamdaman ko.
Alam ko magagawa ko yun, kasi kelangan eh.
Hindi naman pwedeng laging ganun eh.
May hangganan din naman yun.
Alam ko mapapagod din ako, sa ngayon medyo napapagod na rin ako.



PAALAM, GLENNRIC GIEO VILLACORTA.



0 comments: