BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday 18 July 2009

HIS.

Matagal-tagal na rin pala kong hindi nakaka-punta dito sa aking blogspot. Medyo madami na rin nangyare. Pero ayoko ng pag-usapan yun at yung iba naman kasi nakalimutan ko na. Dito ko na uumpisahan ha!


Naisip ko lang naman sya ng 24 hours. Bago ko matulog at pag-gising ko. Naisip ko rin medyo nakakatakot na rin pala 'tong nararamdaman ko. Any time pwede na ata syang mahulog. Nakakatakot talaga. Hindi pa ko handa sa ngayon.

Actually, nagulat ako sa sarili ko kasi ang alam ko nagka-crush ako sa kanya tapos natulog lang ako, paggising ko wala na yung feeling, pag-hanga lang pala yun. Tapos ayun, isang araw nakasama ko sya, nagulat na naman ako kasi iba yung tingin ko sa kanya nung araw na yun. Feeling ko may nagbago sa kanya at sa sarili ko. Hindi ko lang masyadong napansin. Pero ang lakas talaga eh! Tinatamaan na ko eh. Hindi ko alam kung sino yung mga nakapansin at nakabuko sakin nung araw na yun. Bahala sila sa buhay nila. Isa lang alam ko nung araw na yun, masaya na masakit na malungkot na hindi ko maintindihan. Pero masaya na rin ako na nakasama ko sya nung araw na yun. Ayoko nang sabihin kung kailan yun at baka lalong mabuko pa ko. Haaay. Ayoko talaga nitong feeling na 'to. Nalilito na ko, sasabog na ko at malapit na rin dumami. Haha! HELP ME! ;))
Wala lang isang malaking epal lang naman ako sa mundong ibabaw ;)) Sana makita ko ulit sya.

"ANG LANDI MO LEXX.."



Mahal na pala kita nung araw na yun. Hindi ko lang napansin dahil ayoko naman talagang mahalin ka. Nung nalaman kong mahal mo pa rin sya at mahal ka pa rin nya, medyo nasaktan ako. Ang mas masakit nun babalikan mo sya. hindi ko alam kung tama ba yung iniisip ko at ginagawa ko nung mga oras na yun. Alam ko pareho lang naman tayong may mahal na iba pero wala na naman sila eh. Ayoko rin naman ipilit yung sarili ko sayo. May isang taong tinutulak ako para sabihin sayo kung anong nararamdaman ko, pero hindi ko sya sinunod. Kasi lahat ng taong nalaman na mahal ko sila lumayo.. Ayokong gawin mo sakin yun. Kuntento na ko sa FRIENDS tayo.
Kesa naman layuan mo ko kapag nalaman mo. Ayoko nun!

Sana magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sayo yun. Mahirap kasing magtago eh. Hindi lang yun kapag hindi ko napigilan hindi ko alam ang gagawin ko.
Hindi pa ko handang masaktan ngayon. Gusto ko munang makalimot. Pero minahal agad kita.


"SIRA ULO KA LEXX..!"

Pero hindi ko pa talaga alam yung gagawin ko para pigilan 'tong nararamdaman ko. Isa pang nakasakit sakin, na marinig sa ibang tao na parang may gusto ka sakanya. Pero ayos lang yun. Bagay naman kayo eh. Saka kung san ka masaya, ayos lang yun. Dun ka masaya eh, anong magagawa namin para dun? DIBA? Sabi ko nga sayo, ligawan mo na diba? Ayaw mo naman. Tutulungan pa naman sana kita. Sayang sya!


Hanggang dito na lang siguro 'to.

0 comments: