BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday 13 June 2009

CONFUSED!

Nag-desisyon akong umuwi ng Pinas. Haaay.
Ang hirap na kasi dito eh. Hindi ko alam kung dapat bang nandito ako.
May mga gusto rin kasi akong gawin at tapusin.
Kaso hindi ko magagawa yun dito. Kaya naisip kong umuwi muna pansamantala.
Isa na rin sa mga dahilan ko yung pag-pasok ng Senior High.
Kasi hindi ako ganun kagaling mag-nihonggo. At malaking pera ang gagastusi ng Mommy ko.
Hindi sa pagmamayabang HALF A MILLION PESOS yung gagastusin ng mommy ko kapag nag-aral ako ng Senior High eh. Minsan nga nakokonsensiya na ko. Feeling ko dahil sakin mas lalong nahihirapan ynug Mommy ko.
Dapat nagpapahinga na lang sya. Pero anong ginagawa nya ngayon? Nag-ttrabaho para lang mapag-aral ako.
Ginagawa ko naman yung makakakaya ko. Kaso may limitations din naman ako eh.
Hindi lahat ng bagay kaya ko. hindi naman ako HERO para kayanin ang lahat.


Pero may nagsabi naman sa Mommy ko.
Kung uuwi naman daw ako at makakatapos ako ng pag-aaral, mas lalong mahirap.
Kasi hindi ganun kadaling mag-hanap ng trabaho ngayon sa Pinas noh.
Tapos hindi pa sure kung makakapag-trabaho nga ba.
Eh dito?
Sure ka na maibabalik ko sa Mommy ko yung nagastos nya sakin kung makakapag-trabaho ako.
Kesa naman daw sa Pinas, magsasayang lang sya ng pera.
Kaya naisip ko rin yun. Kasi sabi ko sa kanila, kung uuwi ako.
Ayoko na sa Mater, kasi andun lahat ng tukso eh, like mga kalokohan, katarantaduhan.
Andun lahat kaya gusto kong mag-iba ng school para naman maging matino naman ako kahit minsan.
At maranasan ko naman yung mag-sikap sa sarili ko.
Ng walang tulong ng ibang tao.
Magagawa ko lang yun kung lilipat ako ng ibang school.
Gusto kong mag-San Beda Alabang.
Madami na rin naman kasi akong kakilala dun eh.
Kaso 4th year na ko nun. Hindi ko rin sure kung makakasama ko si JAMEG dun.
Haaay. Ayoko ng isipin si JAMEG. Wala ng pag-asa yun at hindi na rin ako umaasa.
Malabo pa sa hamog yun eh. Haaay.



Madami na ba kong nasusulat. Wala kasi akong makausap eh.
May study pa kasi yung mga friends ko.
Ako lang tuloy yung online ngayon. Haaay.



Nakakatamad sa bahay!!
I'm craving for HIM and THEM :DD

0 comments: