BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Friday 7 August 2009

Paranoia.

*08-06-09*
"That day when I woke up, I felt something already changed.
I was shocked then, that was the first time I felt so lonely, like something and someone is missing.
But I used to asked myself, what's wrong with me?"


Hindi ko alam kung bakit, nagulat na lang talaga ko, iba na ko. Parang hindi na ako yun, feeling ko nasapian ata ako.
Pero pinilit kong maging maayos, kasi sa sarili ko hindi ko alam kung anong nangyayare sakin eh.
Feeling ko may mali, sinabi ko sa Mommy ko yun.
Sabi nya pwede ko daw sabihin sa kanya yung problema ko, gusto kong i-share sa kanya kaso hindi ko lang talaga alam kung anong problema ko.
then, pumasok na ko sa Tabunka yung nihonggo school ko. May mga taong nakakapansin na tahimik ako, gusto kong mag-ingay pero hindi ko magawa. Kasi parang may pumipigil sakin na gawin yun.
Inayos ko yung sarili ko, para hindi naman ako mag-mukang problemado.
kaso hindi ko talaga kayang ayusin eh, hanggang kahapon paggising ko ulit, ganun na naman ako.
Sabi ko sa sarili ko, kung patuloy akong magging ganun mababaliw ako.
Ayokong mabaliw, pero hindi ko alam kung pano pigilan.

Sabi ni mommy, gamitin ko daw yung utak ko para ma-control ko yung feelings ko.
Sabi ko, hindi naman pwedeng laging utak lang ang gamit mo, kelangan mo rin yung puso.
Tama ba ko??

May time rin na na-realized ko na nakakasawa na palang mang-asar minsan. kasi yung taong mahal ko yung laging biktima ng mga pang-aasar ko. Feeling ko naiinis na sya sakin, kaya nawawalan na ko ng pag-asa na mapansin nya ko isang araw.
Gusto ko syang maging kaibigan, yung pwede kong kausapin tungkol sa mga seryosong bagay, yung may malasakit sa friendship namin, kahit friendship lang magkaroon kami ayos na ko.
Sa tingin ko naman tropa kami, kaso minsan may limitations yung pagiging tropa.
Minsan naiinis ako sa kanya kapag may pagka-sweet sya. Yung tipong kapag inasar ko sya tapos binalak nya sakin yung pang-aasar yung magso-sorry agad sya.
Ayoko nun, kasi kapag dumarating yung mga oras na ganun, hindi ko napipigilan yung sarili ko, mas pinipili kong mahalin sya, mas minamahal ko sya. Minsan gusto ng puso kong makasama sya, kaso sabi naman ng utak ko wag daw. Kasi madadagdagan lang yung pagmamahal ko sa kanya, madadagdagan din yung sakit na nararamdaman ko.
May time na feeling ko lumalapit na sya, na andyan na sya. Pero mas gusto ko syang itulak kesa naman masaktan lang ako at umasa na ganun. Pero lolokohin ko yung sarili ko kung sasabihin kong hindi na ko umaasa na balang araw darating yung panahon na mamahalin nya rin ako. Pero mas pinipili ko na lang kontrahin yung puso ko, lagi kong sinasabi sa kanya na hindi nya ko mahal at hindi nya ko mamahalin.
minsan nakakasawa na rin umasa sa wala, pero hanggang ngayon. Kapag naaalala ko yung masasayang moments namin na magkakasama kami, minsan mas gusto ko na lang umiyak, kasi hanggang dun na lang naman kami eh TROPA.
May nagsabi sakin, sabihin ko na daw sa kanya. Um-oo naman yung puso ko, pero sabi ng utak ko hindi pwede, kasi masasaktan lang daw ako. Mas pinakinggan ko yung utak ko, sabi ko nga sa kanya minsan, kalimutan mo na lang sya, pero ayaw naman nya kasi nasasaktan din daw sya kapag nasasaktan yung puso ko.
Simula nung mahalin ko sya dun ako natutong umamin sa lahat ng bagay, pero may mga tao na wala pa ring alam sa nararamdaman ko. Mas masaya ko nandyan sya bilang tropa ko.
Minsan naiisip ko sabihin ko na kaya sa kanya, kaso ayoko lang talagang masaktan. Natatakot ako sa pwede nyang i-sagot at natatakot akong masaktan sa pangalawang pagkakataon at sa pangalawang tao.
Ayoko na kasing maranasan yun, masakit eh. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit, hindi mo alam kung okay ka pa ba sa mata ng ibang tao.



Sa ngayon, malabo pa rin ang lahat ng nangyayare sakin at sa nararamdaman ko.
Sana bukas paggising ko hindi na ko ganito.
Kung pwede lang din, sana bukas paggising ko hindi ko na sya mahal.





...........

0 comments: